Saturday, May 21, 2011

letters.

short blog.
letters.(letter "niya" daw para sakin.may message.ganun.natural, LETTER nga eh.)
okay.
so ilang araw na kong puyat.
"-.-
hindi naman puyat.
sabihin na nating masyado na kong maaga matulog.
hahaha.
yung mga tipong 4:00 - 5:30 a.m.
tapos hindi ko pa rin nakikita yung hinahanap ko.
kasi nga. nagblog daw siya.
gumawa ng letter.
usually naman nakikita ko agad yung mga yun.
kaya tiningnan ko agad.
may nakita ko.
akala ko yun na yun.
kaya natulog na agad ako kasi nga maaga pa rin kami bukas.
pero hindi pa pala yun yun.
"-.-
pero ewan.
hindi ko pa rin nakikita.
baka hindi siguro ako magaling sa stalker.hahaha.
"-.-
pero makikita ko rin yun.
natatambakan na ko.
makikita rin kita letters.
HUMANDA KA.


"-.-

Wednesday, May 18, 2011

COTELLION 2011


so.
eto na yun.
last cotellion ko na 'to.SIGURO.
ewan.
hindi ko pa rin naman sigurado.
pero malamang nga siguro.
yung schedule kase.
sabi : SUMMER CLASSES.
kaya ayan.
kamusta naman cotellion this year.
masaya kaya.
AS USUAL.
carakidss.
tambay.
bonding.
sayaw.
laro.
cards.
basketball(YEAH.sabi nila ako ang:DAKILANG POSTE. self explanatory.)
inuman.(dito lang naman ako nakakainom eh.ng alak.pag bakasyon lang naman.)
puyatan.
harutan.
paguran.
ayun.
ang galing nga ngayong taon eh.
kasi.
magka-away pa kami ni mami bago magsimula yung prac.
so sa isip isip ko.
PANO KO MAKAKASALI?
WALA KONG ACESS SA MATATANDA
(well sila kasi yung nagmamanage ng buong sayaw.hindi naman ata nila ko kilala.hindi nila alam connection ko sa carabaos.basta.para kasing ganun yung dating sakin. ganun yng pakiramdam ko.ewan.malabo.nvm.)
wala lang ayun.
so nakasali pa rin naman ako eh.(HALATA BA?)
nalaman ko sa text.
ayun.
sinabi nga nila yung unang araw ng practice.
hindi ako naka attend nung unang araw.
may lakad kasi ako nun.
(nandun ako sa tabi "niya.")
pero wala namang nangyayari sa first day.
kaya second day na ko umattend.
late as usual.
pero may dahilan naman.
naglalakad lang ako.
(naubos nga kasi yung ipon ko sa pagpunta sa school nung bakasyon eh hindi naman ako nakakahingi ng baon nun kasi nga magkaaway pa kami ni mami.kaya ayun.ewan.)
halos isang linggo siguro akong lakad lang papunta tsaka pauwi.
yung pauwi.normal lang na maglakad.
second day.
ayun.
unang araw ko sa practice.
ANDAMI AGAD NAITURO?!
oo.
matatapos na nila yung isang sayaw.
andaming bago.
ang konti pa nung kakilala ko.
"-.-
ayun.
practice.
nakailang araw.
dumami.
dumating na yung mga dating kasali na mga kakilala ko.
yung tropa na talaga.
yung mga ganun.
bonding bonding sa bahay nina bram.
(na walking distance lang sa bahay namin.pero ako pa rin yung pinakalate sa lahat pagkatatambay sa kanila.)
inuman sa gabi.
(first time kong nalasing ngayong taon.ganun pala pakiramdam nun.hindi ko ramdam nung una.nung tumayo ako.saka ko naramdaman.banggag.pero hilo.nakauwi naman ako.may kasama. naglakad lang kami pauwi.mga alas tres nun. buti nakauwi ako. medyo hilo nung naglalakad pero kaya naman. habang naglalakad, nagpapatanggal ng hilo. pag kauwi. toothbrush. palit damit. pc saglit. pagkahiga ko. AYUN NA. lintek. UMIIKOT AKO. ganito. isipin mo yung pakiramdam na galing sa swimming tapos pakiramdam mo inaanod ka pa rin. ganun yung pakiramdam ko. kaya biglang tayo agad. diretso sa banyo. pinilit kong sumuka. ayun. napasuka konti. mumog. higa. tulog. )
paguran sa practice.
at pagdating na nung mga huling araw sa practice.
todo todong paguran na.
at pagdating na sa actual.
MASAYA.
naging successful.
oo may mga ilang mali.
ANO NAMAN.
isa pang nagpasaya kasi nandun "siya."
nagpunta siya para manuod.
buti na lang pinayagan siya.
kaya ayun.
hinatid namin siya pauwi.
late na.
"-.-
pero pagdating sa kanila.
ayun.
pumasok pa rin ako sa loob ng bahay nila.
habang naguusap parents niya tsaka sina mami at papa sa labas.
pagkhatid sa kanya.
diretso sa bahay nung ka cotellion namin.
inuman.
laro ng wii.
kwentuhan.
pinanuod yun vid nung sayaw namin.
at nagpaumaga dun sa bahay nung ka cotellion namin.
(oo gabi gabi naming ginagawa yung sayaw na yun.HINDI NAMAN NAMIN ALAM KUNG ANUNG ITSURA NAMIN.)
ayun.
nagpatanggal ng tama.
taz diretso uwi.



"-.-

Sunday, May 15, 2011

OUTING NG TROPA.

so.
MAY 4,2011.
natuloy din ang balak ng tropa.
"TROPANG GAIA."
-short history.
"gaia"-laro sa net.nilalaro nila.sinubukan ko.DI KO TRIP.hahaha.pero yun trip nila eh.gumawa ako pero di ko ginagalaw.hahaha.(ihack niyo kung gusto niyo.WALA KAYONG MAPAPALA.)
"tropa"-binubuo ng 13 na kalalakihan(pwede na ring tawaging lalaki yung iba kahit hindi naman talaga.hahaha.)

ayun na nga.
balik sa outing.
as usual.
LATE AKO.
hahaha.
pero okay lang.
wala nang bago dun.
kaya nauna na sila.
habol na lang ako.
(sila lang rin nag ambag ambag sa cottage.pinaka mura syempre.)
HINDI NGA AKO YUNG PINAKA HULING DUMATING EH.
sayang!hahaha.
ayun.
pagdating ko.
NALILIGO NA SILANG LAHAT.
pagtingin sa lamesa.
(eto seryoso.nakita ko yung table namin.NALAMAN KO AGAD NA YUN YUNG TABLE NG TROPA.walang tao nun sa table.wala lang.basta natuwa ako.kilala ko kasi yung mga bag. tsaka napaka predictable ng mga gamit:"GITARA na nakakalat.madami." basta.nakakatuwa lang.)
okay.
puro bag.
may isang kaldero.
KANIN."asan ang ulam?"(WALA.)
"MICHAEEEELLLL"
-"(medyo dark colored.short.chubby.)BONI!?yep.si boni nga.(kasama si pula.) DITO BA TABLE NATIN?"
"OO DYAN!punta rin muna kami dyan."
-"okay."
ayun dumating na sila.
nakapagswimming na silang lahat.
ako naman.
naghuhubad pa lang.
dun na lang sa may table na lang namin.
PATI BRIEF.hahaha.hindi.
shorts lang.
taz.
tinanong ko sila kung panung plano nila sa ulam.
sabi manok na nga lang daw.
AYOS.
patak.patak.
iisa ang patak.
"-.-
pero ayun.
naisip ko.lamang na nga pala sila sa ambag kaya bumawi ako sa ulam.
paglabas namin.
AYUN SI BAUTI.
karamay ko sa pagbili ng ulam namin.
hahaha
damay din sa bayaran.
buti na lang nakakaintindi.
ayun.
nakabili kami ng 2 litsong manok.
pagbalik.
SWIMMING NA!
pagdating ng mga 12:00 siguro?hindi ko maalala yung eksaktong oras.(PERO MAY ORASAN KAMI.kahit nagsiswimming.ba naman si bauti, suot pa yung relo niya kahit nagsiswimming.YEAH.yan si bauti.)
basta ayun.
nung kakain na kami.
YEAH.
prepared ang tropa.
may dalang de lata. abre lata.
AT ANG MGA ITLOG NAMIN.
itlog ni pula.?
ata?
basta.may dala silang tuna,pork and beans.itlog na pula(3 piraso.) 1 kalderong kanin+may dalang kanin si boni.2 litsong manok.utensils(courtesy of jayson suson.)
sa totoo lang.
plato lang yung nagamit namin.
hahaha.
ang sarap kasi magkamay.
TAOB.
8 lang kami pero naubos namin yung pagkain na yun.
saya.
ewan.basta parang ang sarap nung kain na yun.
(okay hindi na nagdadrama.)pero hindi naman "sosyal" yung kain namin pero ang saya.yun tipong gusto mo maulit.kasi alam mong mamimis mo yung mga ganung bagay.
basta.
mahirap ipaliwanag.
pero parang ganun yun.
pagkatapos kumain.
naubos na.
PREPARED NGA SA PAGKAIN.
pero wala kaming inumin.
hahaha.
ayun.
swerte.may dala si jayson na 2 inumin.(nestle cafe latte in can & MUG rootbeer.in can.)
pinagkasya muna namin.
hahaha.
tapos nun.
"oh patak patak para sa inumin.hahaha"
ayun.
nakakuha ng pera.
bumili kami sa WALTER.
BASA SHORT.
BASA BRIEF.
MUKHANG TAMBAY.pero kayang dalhin.
LAKAS TRIP.
(ang hirap nga eh.tumambay kami dun sa may mga gulay.dun sa may freezer.malapit sa mga beverage.ANLAMIG.YEAH.)
buti kasya yung pera.
YELO NA LANG.
ayun.
TUBE ICE.Php 25.00
"-.-
TAE. kulang pera ng 3 piso.
hahaha.
okay wag na yan.
(tae.puro ba naman kami walang dalang wallet.hahaha.mga tanga.kasama ko dun.hahaha)
hanap tayo mas mura.
hahaha.
nakahanap kami.
yung yelo lang talaga.
sakto sa budget.
pagbalik naman ayun.
naubos agad si sofdrink.sakto lang.
pagtapos kumaen.
BALIK SWIMMING.
tae ANG INET.
tara dun tayo sa may anino.
dun sa may silong.
hahaha.
nagbabad.
nagslide.
nagsunog ng balat.
nagkatulakan.nagkahagisan.
nagkakasisiran.
nakakapagod.
bauti hunting.
taguan si boni.
hahaha.
inabot kami ng hapon ng puro ganyan lang.
nung pauwi na.
laro daw.
L4D syempre.
unang plano.
sa salitran.sa bahay nina arjiel.
LIBRE NA MERIENDA.
(libreng tsibog.WALA NG ANGAL YAN.)
nagkaproblema lang kasi wala pa lang tao sa kanila.
plan B.
punta na lang ng SM dasma.
andun si arick.
para atlis makasama sa laro.
ayun ang natuloy.
pero hindi ri agad nakita si arick.konti lang kaming nakapaglaro.
nung magkakauwian na.
binalikan na namin gamit namin sa grocery.
(iniwan kasi namin.MABIGAT KAYA.)
pagpunta naman sa grocery.

siya na hindi na dapat pangalanan.JAYSON. : "FHM!"okay.
nagpabili siya kay bauti ng FHM.
(tumawad pa kasi 2 for Php 120.100 na lang pera niya.tinanong kung pwede daw ba 1 lang.pwede daw. Php 75 daw.)

"pre FIRST TIME KO 'TO."
hahaha
tuwang tuwa.nung paalis na kami.
nagkabaligtad pa kami ng daan.
hahaha.
tingnan mo.
makakasalubong ulit natin si pula.
nung nandun kami sa may foodcourt.
bumili kami scramble.
ayun.
nakasalubong nga namin.
KASAMA NA SI ARICK.
yeah.kwentuhan saglit.
UWIAN NA.
CURFEW NA PALA NILA.
hahaha.
nakakapagod yung outing pero masaya.
sulit yung pagod mo.
sana maulet.tsaka salamat sa tropa.
may pic pa nga eh.
courtesy ng tropa:



mula sa kaliwa.:
-pula,ako,jayson,kert,bauti,boni,arjiel.
ang may hawak ng camera:
-harvey.

eto siguro yung pinaka masayang outing na tropa ko kasama ko.
sulit eh.
lahat nagawa.
tsaka enjoy talaga.



"-.-