andami ko pang pending na blogs pero unahin ko na to.
ewan ko.
parang hindi pa rin naman ako makapaniwala eh.
PATAY NA SI LOLA.
august 26 ,2011 around mga 6 am.
hindi ko pa maexplain yung nararamdaman ko.
nalaman ko siya mga 1 na ng hapon.
hindi ko pa gusto maniwala non.
nalaman ko lang kasi dun sa dormkeeper nina ate.
kaya AYOKO TALAGA MANIWALA.
nagulat ako oo.natakot.hindi naniwala.nalungkot.
kasi nung 25 lang siya dinala ng ospital.
humina talaga bigla si lola.
as in talagang hindi niya kaya maglakad.buhat talaga.
kaya siya pinaospital.
ang plano talaga.
paguwi ko.
sa ospital na ko didiretso.
halfday naman kase.
prelims.
(halos di rin ako nakapag aral ng huling araw ng prelims.tinatamad.tsaka nagaayos ng nung mga dinala sa ospital.)
yun nga yung alam ko.
kaya kumain muna kame.
si marvin kasama ko kase susunduin niya pa si jeca ng 2:30 p.m.
tapos si ate naman.nagtext.
tinatanong kung anong oras daw ako uuwe.
kung pwede ba daw na sabay kame.
sabi ko aalis na ko.kase nga sa ospital pa diretso ko.
tinanong ko na lang kung may gusto siya pauwi na mga damet.
pagkuha ko naman nung bag na may damet.
biglang sabi ni ate divine(dormkeeper nina ate.) "condolence na lang kina mami't papa mo ah."
dun na.
iba na yung feeling ko.
nagulat ako na hindi ko maexplain.
nagulat.natakot.kinabahan.nainis.
pero ayoko pa maniwala non.
tinanong ko na lang ulet si mami kung saan ako pupunta talaga.
kasi nga baka sa ospital o kung totoo nga.
nagreply si mami.patay na nga daw si lola.
dun na.
nasa jeep ako non.
muntik na ko umiyak.
gusto ko bumaba ng quiapo.
kaso trapik.matatagalan ako.
gusto ko nang makauwe.
gusto ong magdasal pero gusto ko nang makauwe.
hindi na ko natulog sa bus.
sumakay na kong jeep sa imus.
naulan.malakas.
sa imus cathedral na ko bumaba.
saradao yung main na pinto.
pero makakadaan sa office.
dun na.
paglapag ko ng bag ko sa upuan.
dun ko na binuhos lahat.
naiinis ako kung bakit ang bilis.
bakit hindi nilabanan ni lola.
kung bakit di niya kinaya.
(naiiyak ako tae.)
kung baket ganon.
dun na.
medyo matagal ako dun.
mga isang oras.
binuhos ko na dun lahat.
ayokong gawin sa harap ng iba yon.
wala lang.
naiinis lang ako sa sarili ko.kay lola.sa iba pang tao.
wala.gusto kong sisihin si lola.yung ibang tao.
lahat.
gusto ko lang nang mapagbubuhusan ng sama ng loob.ng lungkot.
wala.buhos lahat eh.hindi naman kasi ako yung tipo na gustong pagusapan pagka may problema.
mas okay ako na sakin na lang yon.
hindi rin naman kasi ako magalaing sa pageexpress ng feelings.
wala.
bumalik sakin lahat ng ala ala.
lahat ng nagawa ni lola.
lahat ng mga laging sinasabi ni lola.
lahat.
wala na.
umuwi na ko agad pagkagaling ko sa simbahan.
naghilamos ako.
chewing gum.
nag salamin.eyeglasses.
para di masydong makita mata ko.
mapula yung kanang mata ko.
buti na lang pag uwi ko. wala si mami.
medyo nawala yung pagkapula.
pagdating ni mami sa bahay.
nagluto pa bago kami nakarating sa samson.funeral house ni lola.
late na rin kami nakarating.
hindi pa ko makatingin sa kabaong nung una.
pero nung nagkapadasal.
nakita ko rin si lola.
dun na kami natulog.
tapos pag gising ko.
almusal.
natulog ulit ako.
pagkagising ko.
may mga dumating na magaayos daw ng make up.
inangat yng takip nung kabaong ni lola.
nakita ko si lola.
wala lang.
parang tulog lang.
payapa na siya.
yung laging gusto niyang ihiga na daw siya at nangangalay na siya.
okay na siguro yun.
tahimik na si lola.
:)


