hindi ko naman nakumpleto yung simbang gabe
(WALA NANG BAGO DUN.NAKAKATAMAD GUMISING NG MAAGA)
nakasimba kami ng dalawang beses ata nina mami.
sa katedral.
ang init nga eh,
andaming tao.
nakasleeves pa ko. wala lang natripan ko.black pa naman.
(porma lang.hindi naman masama di ba?)
pero ang pinakagusto ko sa simbang gabi.
yung pagkatapos ng misa.
paguwi.
nakain ka na ng puto bumbong o kaya naman bibingka.
pero.dahil nga kasi gabi yung misa.
hindi na kami nakain.
MAHIRAP MATULOG NG BUSOG.
kaya pagkakauwi,wala na.
computer na lang o kaya kung ano.
pagtinamad na.
diretso tulog.
isang bagay na kakaiba sa simbang gabi.
NAPAPAYAG KO SI "SIYA" NA MAGSIMBANG GABI.
kasi.
matagal ko na nga siyang niyaya na sumama.
o basta makapagsimbang gabi.
kaso nga lang hindi siya pinapayagan daw.
tapos sabi niya naman. kung sa katedral daw.BAWAL.MALAYO.
edi dun na lang sa kanila.
buti na lang talaga napapayag ko siya.
LAST DAY NA KAYA.
DECEMBER 24, 2010, 4:00 AM
(oo ganun din naman kasi.pag sa katedral.ihahatid ko rin naman siya pauwi.DUH.madaling araw kaya.kung marape ka pa.edi ako pa may kasalanan.hahaha)
edi ayun na nga.
ako na lang nagpunta sa kanila.
simba kami.
kasama kapatid niyang lalaki.
masaya.
bonding kami nung utol niya.
kahit pareho kaming inaantok.
tapos may nabalitaan pa ko.
ang "banal" ko daw sabi nung kapatid niya.
kasi daw hindi pa daw nagsisimula yung misa "nagnonobena" na daw ako.
kasi daw ang seryoso ng mukha ko.
(hindi niya pa kasi ako nakakasama ng matagal. hindi niya alam na pag ako inaantok o kaya naman nakatingin sa kawalan. ganun talaga itsura ko. parang mangangain ng tao.)
pero ayos naman.
"banal" pala dating ko pag ganun.
ang tagal bago nagsimula nung misa.
gumising ako ng 3:00 am
tapos.nakaalis ako. mga 3:45 na ata.
paglabas ko naman walang jeep.
pero buti na lang hindi ako sumakay sa tricycle.
bente ba naman ang sinisingil.napakaswapang.
nakasakay ako ng jeep.
pagdating sa highway.
buti naman may jeep
(matagal din.kala ko nga wala rin eh.)
yung jeep.halos walang sakay.
buti na lang.
mabilis yung andar nung jeep.
kasi pinagmamadali na ko.
pagbaba ko.
nilakad ko na lang papuntang simbahan.
nung naglalakad ako.
may nakita kong nakasuot nung sa misa.
yung pang lektor ata.
kaya ayos pa.
sabi ko hindi pa ko late.
kaya ayun.
pagdating ko naka upo naman ako.
pero ang tagal talaga bago nagsimula yung misa.
pero nung nagmisa na.
ok naman.
nagulat lang ako nung homily.
TAE.
biglang may nagsabi ng EL SHADDAI.
nagulat ako, kasi ba naman.
may umaarte sa harap.
kaya naiisip ko.
tama ba tong chapel na napasukan namin.
buti na lang.nagsalita yung kapatid na lalaki( bata pa lang kasi. grade 6) sabi.
"misa ba 'to?"
ibig sabihin.nagulat din siya.
ibig sabihin.
hindi ganon ang misa.
may nagbago lang konti.
pagtapos ng misa.
walang bibingka
"-.-
kaya
nag taho kame.
ayos.
antagal ko na rin palang hindi nakakapagtaho.
salamat.
libre niya.
oo wala ng hiya hiya.
tapos.
hinatid ko na lang sila hanggang sa gate ng subdivision
(hindi nga sa gate eh.sumakay na sila ng tricycle para hindi na hustle.
kaya umuwi na rin ako.
maaga pa.
palagay ko nga hindi alam nina mami na kung saan saan ako nakakapagsimba.
sabi ko lang kase magsisimba ko.
hindi ko sinabi kung saan.
pag uwi ko.
tulog pa rin sila.
nagising lang nung pumunta ko sa kabilang bahay para kunin yung bike.
dun lang sila nagising.
pagkakuha ko ng bike.
diretso jogging kahit pa dadalawang oras yung tulog ko.
SAYA.
pag uwi ko.
computer tapos tulog ulit.



at sa katangahan ko.