Saturday, May 21, 2011

letters.

short blog.
letters.(letter "niya" daw para sakin.may message.ganun.natural, LETTER nga eh.)
okay.
so ilang araw na kong puyat.
"-.-
hindi naman puyat.
sabihin na nating masyado na kong maaga matulog.
hahaha.
yung mga tipong 4:00 - 5:30 a.m.
tapos hindi ko pa rin nakikita yung hinahanap ko.
kasi nga. nagblog daw siya.
gumawa ng letter.
usually naman nakikita ko agad yung mga yun.
kaya tiningnan ko agad.
may nakita ko.
akala ko yun na yun.
kaya natulog na agad ako kasi nga maaga pa rin kami bukas.
pero hindi pa pala yun yun.
"-.-
pero ewan.
hindi ko pa rin nakikita.
baka hindi siguro ako magaling sa stalker.hahaha.
"-.-
pero makikita ko rin yun.
natatambakan na ko.
makikita rin kita letters.
HUMANDA KA.


"-.-

Wednesday, May 18, 2011

COTELLION 2011


so.
eto na yun.
last cotellion ko na 'to.SIGURO.
ewan.
hindi ko pa rin naman sigurado.
pero malamang nga siguro.
yung schedule kase.
sabi : SUMMER CLASSES.
kaya ayan.
kamusta naman cotellion this year.
masaya kaya.
AS USUAL.
carakidss.
tambay.
bonding.
sayaw.
laro.
cards.
basketball(YEAH.sabi nila ako ang:DAKILANG POSTE. self explanatory.)
inuman.(dito lang naman ako nakakainom eh.ng alak.pag bakasyon lang naman.)
puyatan.
harutan.
paguran.
ayun.
ang galing nga ngayong taon eh.
kasi.
magka-away pa kami ni mami bago magsimula yung prac.
so sa isip isip ko.
PANO KO MAKAKASALI?
WALA KONG ACESS SA MATATANDA
(well sila kasi yung nagmamanage ng buong sayaw.hindi naman ata nila ko kilala.hindi nila alam connection ko sa carabaos.basta.para kasing ganun yung dating sakin. ganun yng pakiramdam ko.ewan.malabo.nvm.)
wala lang ayun.
so nakasali pa rin naman ako eh.(HALATA BA?)
nalaman ko sa text.
ayun.
sinabi nga nila yung unang araw ng practice.
hindi ako naka attend nung unang araw.
may lakad kasi ako nun.
(nandun ako sa tabi "niya.")
pero wala namang nangyayari sa first day.
kaya second day na ko umattend.
late as usual.
pero may dahilan naman.
naglalakad lang ako.
(naubos nga kasi yung ipon ko sa pagpunta sa school nung bakasyon eh hindi naman ako nakakahingi ng baon nun kasi nga magkaaway pa kami ni mami.kaya ayun.ewan.)
halos isang linggo siguro akong lakad lang papunta tsaka pauwi.
yung pauwi.normal lang na maglakad.
second day.
ayun.
unang araw ko sa practice.
ANDAMI AGAD NAITURO?!
oo.
matatapos na nila yung isang sayaw.
andaming bago.
ang konti pa nung kakilala ko.
"-.-
ayun.
practice.
nakailang araw.
dumami.
dumating na yung mga dating kasali na mga kakilala ko.
yung tropa na talaga.
yung mga ganun.
bonding bonding sa bahay nina bram.
(na walking distance lang sa bahay namin.pero ako pa rin yung pinakalate sa lahat pagkatatambay sa kanila.)
inuman sa gabi.
(first time kong nalasing ngayong taon.ganun pala pakiramdam nun.hindi ko ramdam nung una.nung tumayo ako.saka ko naramdaman.banggag.pero hilo.nakauwi naman ako.may kasama. naglakad lang kami pauwi.mga alas tres nun. buti nakauwi ako. medyo hilo nung naglalakad pero kaya naman. habang naglalakad, nagpapatanggal ng hilo. pag kauwi. toothbrush. palit damit. pc saglit. pagkahiga ko. AYUN NA. lintek. UMIIKOT AKO. ganito. isipin mo yung pakiramdam na galing sa swimming tapos pakiramdam mo inaanod ka pa rin. ganun yung pakiramdam ko. kaya biglang tayo agad. diretso sa banyo. pinilit kong sumuka. ayun. napasuka konti. mumog. higa. tulog. )
paguran sa practice.
at pagdating na nung mga huling araw sa practice.
todo todong paguran na.
at pagdating na sa actual.
MASAYA.
naging successful.
oo may mga ilang mali.
ANO NAMAN.
isa pang nagpasaya kasi nandun "siya."
nagpunta siya para manuod.
buti na lang pinayagan siya.
kaya ayun.
hinatid namin siya pauwi.
late na.
"-.-
pero pagdating sa kanila.
ayun.
pumasok pa rin ako sa loob ng bahay nila.
habang naguusap parents niya tsaka sina mami at papa sa labas.
pagkhatid sa kanya.
diretso sa bahay nung ka cotellion namin.
inuman.
laro ng wii.
kwentuhan.
pinanuod yun vid nung sayaw namin.
at nagpaumaga dun sa bahay nung ka cotellion namin.
(oo gabi gabi naming ginagawa yung sayaw na yun.HINDI NAMAN NAMIN ALAM KUNG ANUNG ITSURA NAMIN.)
ayun.
nagpatanggal ng tama.
taz diretso uwi.



"-.-

Sunday, May 15, 2011

OUTING NG TROPA.

so.
MAY 4,2011.
natuloy din ang balak ng tropa.
"TROPANG GAIA."
-short history.
"gaia"-laro sa net.nilalaro nila.sinubukan ko.DI KO TRIP.hahaha.pero yun trip nila eh.gumawa ako pero di ko ginagalaw.hahaha.(ihack niyo kung gusto niyo.WALA KAYONG MAPAPALA.)
"tropa"-binubuo ng 13 na kalalakihan(pwede na ring tawaging lalaki yung iba kahit hindi naman talaga.hahaha.)

ayun na nga.
balik sa outing.
as usual.
LATE AKO.
hahaha.
pero okay lang.
wala nang bago dun.
kaya nauna na sila.
habol na lang ako.
(sila lang rin nag ambag ambag sa cottage.pinaka mura syempre.)
HINDI NGA AKO YUNG PINAKA HULING DUMATING EH.
sayang!hahaha.
ayun.
pagdating ko.
NALILIGO NA SILANG LAHAT.
pagtingin sa lamesa.
(eto seryoso.nakita ko yung table namin.NALAMAN KO AGAD NA YUN YUNG TABLE NG TROPA.walang tao nun sa table.wala lang.basta natuwa ako.kilala ko kasi yung mga bag. tsaka napaka predictable ng mga gamit:"GITARA na nakakalat.madami." basta.nakakatuwa lang.)
okay.
puro bag.
may isang kaldero.
KANIN."asan ang ulam?"(WALA.)
"MICHAEEEELLLL"
-"(medyo dark colored.short.chubby.)BONI!?yep.si boni nga.(kasama si pula.) DITO BA TABLE NATIN?"
"OO DYAN!punta rin muna kami dyan."
-"okay."
ayun dumating na sila.
nakapagswimming na silang lahat.
ako naman.
naghuhubad pa lang.
dun na lang sa may table na lang namin.
PATI BRIEF.hahaha.hindi.
shorts lang.
taz.
tinanong ko sila kung panung plano nila sa ulam.
sabi manok na nga lang daw.
AYOS.
patak.patak.
iisa ang patak.
"-.-
pero ayun.
naisip ko.lamang na nga pala sila sa ambag kaya bumawi ako sa ulam.
paglabas namin.
AYUN SI BAUTI.
karamay ko sa pagbili ng ulam namin.
hahaha
damay din sa bayaran.
buti na lang nakakaintindi.
ayun.
nakabili kami ng 2 litsong manok.
pagbalik.
SWIMMING NA!
pagdating ng mga 12:00 siguro?hindi ko maalala yung eksaktong oras.(PERO MAY ORASAN KAMI.kahit nagsiswimming.ba naman si bauti, suot pa yung relo niya kahit nagsiswimming.YEAH.yan si bauti.)
basta ayun.
nung kakain na kami.
YEAH.
prepared ang tropa.
may dalang de lata. abre lata.
AT ANG MGA ITLOG NAMIN.
itlog ni pula.?
ata?
basta.may dala silang tuna,pork and beans.itlog na pula(3 piraso.) 1 kalderong kanin+may dalang kanin si boni.2 litsong manok.utensils(courtesy of jayson suson.)
sa totoo lang.
plato lang yung nagamit namin.
hahaha.
ang sarap kasi magkamay.
TAOB.
8 lang kami pero naubos namin yung pagkain na yun.
saya.
ewan.basta parang ang sarap nung kain na yun.
(okay hindi na nagdadrama.)pero hindi naman "sosyal" yung kain namin pero ang saya.yun tipong gusto mo maulit.kasi alam mong mamimis mo yung mga ganung bagay.
basta.
mahirap ipaliwanag.
pero parang ganun yun.
pagkatapos kumain.
naubos na.
PREPARED NGA SA PAGKAIN.
pero wala kaming inumin.
hahaha.
ayun.
swerte.may dala si jayson na 2 inumin.(nestle cafe latte in can & MUG rootbeer.in can.)
pinagkasya muna namin.
hahaha.
tapos nun.
"oh patak patak para sa inumin.hahaha"
ayun.
nakakuha ng pera.
bumili kami sa WALTER.
BASA SHORT.
BASA BRIEF.
MUKHANG TAMBAY.pero kayang dalhin.
LAKAS TRIP.
(ang hirap nga eh.tumambay kami dun sa may mga gulay.dun sa may freezer.malapit sa mga beverage.ANLAMIG.YEAH.)
buti kasya yung pera.
YELO NA LANG.
ayun.
TUBE ICE.Php 25.00
"-.-
TAE. kulang pera ng 3 piso.
hahaha.
okay wag na yan.
(tae.puro ba naman kami walang dalang wallet.hahaha.mga tanga.kasama ko dun.hahaha)
hanap tayo mas mura.
hahaha.
nakahanap kami.
yung yelo lang talaga.
sakto sa budget.
pagbalik naman ayun.
naubos agad si sofdrink.sakto lang.
pagtapos kumaen.
BALIK SWIMMING.
tae ANG INET.
tara dun tayo sa may anino.
dun sa may silong.
hahaha.
nagbabad.
nagslide.
nagsunog ng balat.
nagkatulakan.nagkahagisan.
nagkakasisiran.
nakakapagod.
bauti hunting.
taguan si boni.
hahaha.
inabot kami ng hapon ng puro ganyan lang.
nung pauwi na.
laro daw.
L4D syempre.
unang plano.
sa salitran.sa bahay nina arjiel.
LIBRE NA MERIENDA.
(libreng tsibog.WALA NG ANGAL YAN.)
nagkaproblema lang kasi wala pa lang tao sa kanila.
plan B.
punta na lang ng SM dasma.
andun si arick.
para atlis makasama sa laro.
ayun ang natuloy.
pero hindi ri agad nakita si arick.konti lang kaming nakapaglaro.
nung magkakauwian na.
binalikan na namin gamit namin sa grocery.
(iniwan kasi namin.MABIGAT KAYA.)
pagpunta naman sa grocery.

siya na hindi na dapat pangalanan.JAYSON. : "FHM!"okay.
nagpabili siya kay bauti ng FHM.
(tumawad pa kasi 2 for Php 120.100 na lang pera niya.tinanong kung pwede daw ba 1 lang.pwede daw. Php 75 daw.)

"pre FIRST TIME KO 'TO."
hahaha
tuwang tuwa.nung paalis na kami.
nagkabaligtad pa kami ng daan.
hahaha.
tingnan mo.
makakasalubong ulit natin si pula.
nung nandun kami sa may foodcourt.
bumili kami scramble.
ayun.
nakasalubong nga namin.
KASAMA NA SI ARICK.
yeah.kwentuhan saglit.
UWIAN NA.
CURFEW NA PALA NILA.
hahaha.
nakakapagod yung outing pero masaya.
sulit yung pagod mo.
sana maulet.tsaka salamat sa tropa.
may pic pa nga eh.
courtesy ng tropa:



mula sa kaliwa.:
-pula,ako,jayson,kert,bauti,boni,arjiel.
ang may hawak ng camera:
-harvey.

eto siguro yung pinaka masayang outing na tropa ko kasama ko.
sulit eh.
lahat nagawa.
tsaka enjoy talaga.



"-.-

Saturday, April 23, 2011

VIGAN SHIRT.


so.
nakapunta na rin ako sa kanila.
hahaha.
oo na.
AKO NA NAKAMISS SA KANYA.
"-.-
wala lang.
ayun nga kasi di ba.parang excited na excited ako pumunta sa kanila.
taz.BOOM.
nung pupunta na ko.
bigla naman akong nagkasakit.
(SO MASAMA PALA ANG SOBRANG PAGKAMISS SA KANYA.HUMIHINA RESISTENSYA KO.)
kaya ayun.
parang nakakainis lang.
yung gustong gusto mo na siya makita.
pero ikaw din yung magiging dahilan kung bakit hindi mo magagawa yun.
"-.-lintek.hahaha.
pero ayun na nga.
pagkagaling ko.
diretso na agad sa kanila.
hahaha.(sa totoo lang nung may sakit ako. "kelangan ko nang gumaling.bukas.pahinga.pag nakapagpractice na ko mamaya.makakapunta na ko sa kanila bukas." yan lang yung iniisip ko "-.- INSPIRED.)
so.
ayun na nga.
pagdating ko sa kanila.
nandun sa siya sa kwarto niya."DEDMA" sakin.
may pinapanuod sa dvd.
okay.ipagpalit ako sa dvd player."-.-
ako naman etong si diretso yakap.
bakit ba.
"medyo" namis ko nga kasi siya eh.
kaya ayun.
saya.
tumunganga ulit kami buong araw.nagmovie marathon.
(masaya magmovie marathon sa bahau nila.MARATHON talaga. sa dami ng dvd nila. kumbaga may library sila,DVD nga lang hindi mga libro.BASTA MASAYA.lalo pa siya yung katabi ko.hahaha)
kain.
tulog?ewan.para kayang ang sarap matulog dun sa kwarto niya.inalis yung mga laman nung bag ko na uniform.
(yung mga uniform kasi.hinihiram.pagbabasehan daw ng uniform ng kapatid niya.)
tapos ayun.
gabi na pala.
hindi man lang naramdaman yung oras.
pero bago umuwe.syempre.
dahil nagpamiss siya ng sobra.
BINIGYAN NIYA AKO NG SUHOL.
lol.
"pasalubong"
sabi ko kasi."pasalubong ko ah.alam mo na naman kung ano yun eh.yung ... "
hahaha.binigay niya naman yung request ko eh.
hahaha.
yung gusto kong pasalubong.
taz may mga dagdag pa.binigyan ako ng shirt.bracelet.(na hanggang ngayon hindi ko pa nasusuot.pero isusuot ko yun. hindi ko lang alam kung kelan.)
eto yung bracelet oh.
tsaka yung t-shirtttttttttt.
ANG SWEET.
ewan.
hahaha.
basta ang special nung shirt.
wala lang.
alam niya taste ko./pati size ko?
(alam niya?nanghula?tsamba?luck?chance?faith?siya na talaga madami nang alam sakin.)
ang ayos pa.
pagkabigay na pagkabigay nang shirt.
SINUOT KO AGAD.
YEAH.
mainggit kayo sa shirt ko.
proud.
hahaha.
basta.
seryoso.
sinuot ko agad.
hahaha.
wala lang.
basta ayun.
PROUD AKO SA T SHIRT KO.


behave naman ata siya nung nasa ilocos sila.
ang baet.
hahaha
basta ayun.
sulit naman yung pagkakasakit ko.
ata?
namiss ko lang naman siya.
wala namang masama dun.


"-.-

Monday, April 11, 2011

bored.nyte 2

short blog.
ahm.
ewan.
ang sakit ng katawan ko ngayon
"-.-
4 days ko ng hindi siya nakikita.
as in.
alam mo ung feeling na sobra mo na siyang miss.
"-.-
ganun.
kaso nga lang.
bukas sana ko pupunta sa kanila.
NAHIHIYA AKO.
alam mo yun.
pag inisip mo kasi.
pagod sila sa byahe taz sasabay pa ko.
hindi tama.
ewan ko lang.
"-.-
gusto ko talaga pumunta pero.
hindi ko pa alam.
malabo.
bahala na bukas.
so.
musta naman ang araw ko.
ANG SAKIT NG KATAWAN KO NGAYON.
WALA PA KONG PAHINGA.
kahapon?
natulog ako ng 4 a.m. (may tinapos akong blog.anon. R.A. 317.)
paghiga ko.
MGA ISANG ORAS AKONG HINDI MAKATULOG.
maya maya.
nagaalarm na yung phone ni ate.
"-.-
buti na lang nakatulog ata ako?
nagising ako ng around 7 or 8
diretso na sa watercamp.
hanggang 5.
SUNOG YUNG BALAT KO NGAYON.
lalo na yung sa may balikat.
ang ewan naman kasi sa sun block.
bakit di mo ginagawa yung role mo sa buhay.
BAKIT MO KO HINAYAANG MASUNOG.
"-.-
nag enjoy ako sa lakad oo.
pero ang hapdi na ng balat ko ngayon.
yun pa pala.
nung nasa kalagitnaan ng swimming.
nagtext/missed call sakin yung ate niya.
tinanong lang kung nagrereply daw ba sakin kasi sa kanya daw hindi.
edi ako naman tong si tawag.
text.
lahat na.
duh.
kinabahan kaya ako.
kasi naman.
"-.-
wala ewan.
basta ayun.
buti na lang.naging okay naman daw.sabi nung ate niya.
tsaka nagreply na rin naman siya sakin.
edi ayun na.
natapos si outing.
pag uwi.
PLASTADO.
higa sa kama.
hindi ako makatulog.
"-.-
pero pinilit.
pagkagising.naligo ako sa tubig na malamig.MAY YELO.
nilagyan ko talaga para masarap sa balat.SA SUNOG NA BALAT.
pagkaligo.
DIRETSO SA PRACTICE.
halos pass 12 na natapos si practice.
"-.-
pag uwi.
text text konti.
pauwi na daw kasi sila.
nasa byahe na.
pero malayo pa.
"-.-
AYAW NIYA NGA MAGPAHINGA EH.
ang kulit.
ewan.
sana nagpapahinga na siya ngayon sa byahe.
hindi na nagrereply eh.
buti naman.

-4 na araw?/gabi siyang wala pero 2 lang yung naging boring dun.
yung pangalawang araw kasi.
nakatelebabad ko siya.
SAYA.
hindi pa naman ako nakikipagtelebabad sa celphone.
masakit sa tenga.
MAIINIT.pinapawisan tenga ko.
pero masaya.
yung kahapon naman.
ewan.
may tinapos pa kasi ako kagabi.
tsaka maaga din daw siya pinapatulog.
ayos naman.
natapos ko naman yung ginagawa ko.
ahm.
tulog na kaya siya sa byahe?
sana
"-.-
TAE TALAGA SIYA.
ang lakas ng trip.
PAMISS NG PAMISS SAKIN.



"-.-

Friday, April 8, 2011

bored.nyte 1

short blog/s.
wala lang.
alas tres na.
wala kong magawa.
"-.-
so.
wala kong kachat.
tingin ng kung anu ano.
BEHAVE daw ako dapat.
bored nga lang.
"-.-
nakakatamad pang matulog.
kakakain ko lang din kasi.
so.
musta naman ang araw ko?
"-.-
halos alas dos na ko nagising?
alas dos ba o ala una?
basta mga ganung oras.
alastres na kasi ako natulog.
wala lang.
kachat ko si aila.
pupunta daw sila sa ilocos.
ayos.
buti pa sila may out of town.
hahaha.
hindi niya pa nga daw alam kung sasama siya eh.
alam mo yung tipong.
lalakad na.sasama ka ba?
hahaha.
nageempake siya.
pero hindi pa talaga siya sigurado kung sasama ba talaga siya.
yung tipong ganun.
pero sa huli.
sumama din siya.
NATURAL SAYANG GALA.
hahaha.
ayun.
yung araw ko naman?
"-.-
wala kong masyadong nagawa.
pagkagising kain ng tanghalian.
computer konti.
maya maya.
may padasal daw.
ayun.
hindi ko talaga alam yun kung anung ginagawa dun.
"-.-
pero sumama na lang ako.
ayun.
parang stations of the cross.
blablabla.
magiistasyon lang kayo sa mga bahay bahay.
pangalawa yung bahay ni lola.
eh dahil hindi na naman kaya ni lola.
kami yung representative.
si mami.
blablabla.
basta.
sumama na kami.
halos dalawang oras yun.
(narinig ko lang sa tita ni papa.nung pauwi na kasi.sabi niya.halos dalawang oras din inabot no? dun sa kausap niya.sa totoo lang hindi ko sure yan.wala kong suot na relo.wala kong dalang cellphone.hindi pa ko naliligo.hindi ko napatay avr nitong computer.basta alam ko lang.MADILIM NA NUNG NATAPOS.)
hindi tuloy ako nakapagjogging.
medyo ok naman?
puro matatanda.
"-.-
matatandang babae.
siguro mga tropa ni lola dati yun.
andun yung mga kapatid/hipag.(kung anu pa mang tawag dun) ni lola eh.
pag uwi naman.
inakyat ko yung gate.
wala lang.
antagal lumabas ni papa eh.
computer.ligo.kain.practice.bonding.uwi.
pag uwi.
edi tumawag na siya.
wala siya sa bahay nila ngayon.
nasa ibang lugar.
hindi ko tuloy sia makachat.
"-.-
AMBORING NG BUHAY KO NGAYON.
isipin mong alasters na gising pa ko.
namimis ko lang siya.
TAE.
wala lang.
lam mo yung tipong sa sobrang wala kang magawa.
nagstalk ka ng detective mode.
hahaha.
ANDAMI KONG NAKITA.
AYOS.
so mas effective pala talaga magstalk pagbored.
para ngang wala kong magawa sa computer ngayon eh.
siya lang naman habol ko sa computer eh.
(pero pag siya yung kausap.kunwari.busy.hahaha.busy nga.busy sa kanya.)
hindi daw siya makakapagbukas ng net dun.
wala daw internet dun.
"-.-
HUSAY.
wala lang.
inaantok na ko.
bukas naman.
hindi pa rin siya uuwi bukas.
"-.-
wala lang.
may namimis lang ako kaya ko nagawa tong blog na to.
short blog nga.
hahaha


"-.-

Thursday, March 31, 2011

ZE GIFT.

1:18 SCALE 1995 MODEL FERRARI F50 Diecast.


yan yung regalo niya sakin.
GRAD GIFT.binigay niya after nung grad proper.
yung habang nagpipicture na.yung magulo na yung paligid.
private collection ko kasi yan.
ALAM NIYA.tsaka ni choi.kae sanchez.
pero hindi ko naman expected na yan yung maiisip niya:")
NAGULAT AKO.
ANG LAKI KAYA NUNG INAABOT NIYA NA SAKIN.
tas.
nahihiya pa ko.
kasi yung regalo ko sa kanya.
nasa sasakyan pa.
kinuha pa ni papa.
tas.pa kakuha.
WALA PANG CARD.
hahaha.
di pa kasi ako talaga nagawa nung card.
wala lang.(pag gumawa na kasi ako in advance.ALAM KO NAMAN BABASAHIN LANG NILA.sila pa.ANU BANG ALAM NILA SA PRIVACY?)
kaya ayun.
pagkakuha ni papa nung regalo.
TUMAKBO PA ULIT AKO SA SASAKYAN.
para kunin yung card.at sulatan yung card.
wala na talaga kong balak maglagay ng kung anu anong message dun sa card.
alam niya na yun kung bakit.
may mga sarili akong paraan.
kaya inabot ko na lang sa kanya yung regalo.
tapos dinikitan ko ng card.
"-.-
nakakahiya kasi andun yung parents niya.
NAKITA NILA KUNG GAANO AKO "KAPREPARED" SA PAGBIBIGAY KO SA KANYA NANG REGALO.
sabi pa nga "niya" sakin.
sabi daw nung mami niya:
"anu ba yan.yun lang pala laman nung card.KINOKONSENSYA KA PA."
kasi nga.
pagkatapos kong idikit dun sa regalo yung card.
nawala niya yung card nalaglag niya kung saan man.
buti na lang nakita ko rin agad.
"-.-
nakakahiya kaya pagka may ibang taong nakabasa nun.
NAPAKA "HABA" nang nakalagay dun.
PRAMIS.
hahaha.pero okay naman ata?
pero ano talaga.
nung nakita ko yung regalo niya.
parang nanliit ako dun sa regalo ko.
ewan.hahaha.
yung regalo ko naman kasi.
ano.
BATMAN LOGO-SHIRT.small.
ayun.
yun kasi yung naiisip kong "gusto" niya.
"-.-
ayun.
binili ko sa mall nung mag-gogrocery kami.
sinimplehan ko lang ng bili.
kaso nahuli pa rin ako.
hahaha.
napaamin din ako ni mami.
hayaan na.malalaman niya din naman.nvm.
pero ayun.
yung sa size naman.
nalaman ko dati dun sa jersey niya.
sinukat ko ng dangkal sa kamay ko.
kaya "MEDYO" may idea ako sa size.
pero parang kinakabahan din ako sa size.
kaya ayun.
asa sa kapatid niya.
sabi yun nga daw.
kaso naman.
BIGLANG NAGSABI NA MEDIUM DAW.
eh nabili ko na.
sarado na ata yun.
nakabalot na din.
pero binawi din naman.
sabi pwede naman na daw yung small.
ayun.yun nga yung tama?
SUOT NIYA NA KAYA PAGPUNTA KO SA KANILA.
medyo maluwag pa nga eh.
hahaha.
kaya ok na rin.
tama yung sukat ko dati.tska salamat din sa kapatid niya.
ASANG ASA PA NAMAN AKO NA HINDI NIYA MALALAMAN NA NAGTANONG AKO SA KAPATID NIYA.
sinabi rin pala.
"-.-
pero okay lang.
hahaha.
wala lang.
yung lang.



ETO YUNG REGALO NIYA OH:












"-.-