Saturday, February 5, 2011

SPOILER KASE.

hindi ko blog to.
copy paste.
nasa account ko.
pero hindi ako yun gumawa.
eto:

Dearest Owner of This Tumblr Account.

Hello. Alam mo ba saludo ako sayo. :) Kilala kita bilang isang matangkad, maputi, gwapo (Ayii), mabait, masarap kasama, hindi agad-agad sumusuko, matalino at higit sa lahat hindi nang-iiwan. Masaya ako na nakilala kita.

Sobrang Thankful naging close tayo. Sobrang ang dami kong natutunan mula sa iyo. Salamat sa mga times na pagsama mo sakin pag wala akong kasama. Alam mo naman ako may pagka-loner. Siguro nasanay nadin. Lagi naman kasi nila ako iniiwanan. Okaysss. Nagdrama ako sa Blog mo. :P Pero seriously.. Natutuwa ako pagsinasamahan mo ako pag-magisa ako. Iyong tipong iiwan mo yung tropa mo para sakin. Ano baaaaaa. :) THANK YOU SA LAHAT. :)

Sorry. Sorry kung manhid ako, alam ko kasi may mga nagawa ako na minsan naiinis ka na o nakukulitan. Sorry kung may mga times na bigla bigla akong nawawala sa tabi mo. Sorry kung minsan hindi ko talaga ma-express yung gusto kong sabihin sayo. Sorry kung minsan talagang gusto lang kitang kulitin kasi gusto ko lang masaya tayo at ayoko lang ng masyadong tahimik. Sorry kung nagpost ako dito sa blog mo. :))

Alam mo bang nag-enjoy ako sa blog mo. Medyo nahirapan po akong mag-isip kung anu-ano mga ipopost ko dito. Buti nga medyo hindi ka nagalit ee. :) Medyo alam ko na po laman ng blog mo :P Alam ko na din kung ilan finofollow at followers mo :P Alam ko na din pw mo. hahaha. JOKE. :>

Kilala mo naman siguro kung sino ito. Ako’y Maliit kung sabihin, mataba ayon sakin. Makulet kung aminin. maingay kung sa amin. Ako’y madasalin kung sila ay tatanungin. Mahilig din akong kumain. Kahit anung ulam at kanin. Kaya ngayon pwede mo na akong tapatin para sa iyo’y masabi na ika’y gusto ko din. Kung Hindi mo pa din ako kilala. Tanungin mo si Batman. :> WAHAHAHA.

Nagmamahal,

ang taong gumamit ng tumblr mo ng madaling araw. :>



ayan.

sobrang excited kasi.

wala tuloy sa oras.

at nawala lahat ng plano ko.

mga planong a-z.

wala na.

hahaha



"-.-

No comments:

Post a Comment